my sister, zon, whose family is now based in new zealand, is one of the best cooks in the family..her style is so practical and simple without sacrificing the taste of the finished product....i guess her almost 20 years in the food business paid off ( ~ being a Jollibee manager, although she finished a double degree in psychology). here is her ginatang halo halo recipe in her own words (remember, she was giving the instructions to me :) )
hatiin mo lang maliliit ang mga sangkap...kamote , saging, gabi, langka
bilugin ang bilo bilo...glutinous rice flour lang yon
pero isang kilo na kamote e madami na. damihan mo ang bilo bilo at sago
tapos, magboil ka ng mga 4 na cans ng coco cream with 4 baso ng water din
pag nakulo na, ilagay mo ang pinakamatigas na ingredient..gabi o taro ang 1st then, pag mejo malambot ng konti lang...ilagay mo na ang kamote, saging
pero kong nasa bote ang saging at langka e kahit kasabay na ng bilo bilo yon, meaning later pa.
pati maliliit na sago isama mo na rin.. ihahalo mo sa ginatan ang hilaw na maliliit na sago after ng gabi or kasabay ng kamote
halo ng halo para di dikit sa ilalim
pag mejo malapot, add more water.
lagyan mo na rin ng mga 1. 1/2 baso na sugar na white
pag lumutang na ang bilo bilo e oks na yan..
dapat di masyado malapot kasi habang tumatagal e lalapot pa yan kahit luto na
how to make bilobilo:
isang plastic ng gLUtinUos rice flour
lagay mo sa bowl, then lagyan mo ng water paUnti Unti para malaman mo pag dry e dagdagan mo ng gLUtinoUs rice floUr til mabilog mo yan....remember to use gLUtinoUs rice floUr and not rice floUr lang ha?
maglagay ka ng paunti unting glUtinoUs rice floUr sa bowl at lagyan mo ng paunti unting water till ok na mabilog mo...
dapat bago ka mag start magluto e gawa na ang bilo bilo mo sa tray..isa isa ang bilog
ang pagluto e sUnod sUnod lang at halo ng halo..
RECAP:
1st combine 4 cans coco cream, then 4 cans water...then let it boil...
add gabi, then, after 5 to 8 mins, kamote at sago naman,
dito na start ang halo ng halo pag me sago na...
pag malambot lambot na gabi e next na ang bilo bilo... at saging, langka, etc.
halo ng halo...then asukal na puti mga 1.5 c or 2 c...depends on how sweet you want it.
enjoy this sweet pinoy snack :)
No comments:
Post a Comment